Iginawad ng Commission on Human Rights ang Gawad Tanggol Karapatan Award kay Mayor Joy Belmonte para sa kaniyang adbokasiya na maprotektahan at tumindig para sa pagsulong ng karapatang pantao ng mga mamamayan.
Kinilala ang alkalde sa pagtaguyod ng mga programa na makatutulong sa mga kababaihan, kabataan, gender fairness, at pagkakapantay-pantay.
Personal na ibinahagi nina CHR Officer-in-Charge Director IV Jerrick Gerard Go, John Michael Prado and Anida Maniri ang parangal.



