Nakiisa ang mga Community Fire Auxiliary Group (CFAG) ng 9 na barangay sa lungsod sa kauna-unahang CFAG Fire and Rescue Skills Enhancement Training ng Quezon City Fire District (QCFD) sa Amoranto Sports Complex.
Layon nito na mapalawig at mapaunlad pa ang kaalaman at kakayahan ng mga fire volunteers sa mga sakuna, disgrasya, at pag-apula ng sunog sa QC.
Bahagi ng training nila ang medical response, tamang pag-asikaso at pag-rescue sa mga biktima, paggamit ng fire extinguishers at fire hose upang apulin ang sunog sa iba-ibang sitwasyon.
Sa buong QC, tinatayang nasa 500 na ang mga fire volunteers.
Dumalo sa programa si Assistant City Administrator Alberto Kimpo bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte, QCFD Chief FSSUPT. Flor-Ian Guerrero, Traffic and Transport Management Department head Dexter Cardenas, District 4 Action Officer Al Flores, QC Police District PCOL Josefino Ligan, QC Jail Female Dormitory JCINSP Lourvina Abrazado, at Public Affairs and Information Services Department head Bert Apostol.