Mahigit 1,800 job opportunities ang naghihintay para sa mga job seeker sa ginanap na Cooperatives Job Fair ngayong araw.
Bilang bahagi ng paggunita ng Araw ng mga Manggagawa, naglunsad ng Cooperatives Job Fair ang Cooperatives Development Authority (CDA), Department of Labor and Employment (DOLE), Public Employment and Service Office (PESO) sa pakikipagtulungan ng QC Small Business Development and Promotion Office (SBCDPO).
Kaisa sa programa sina Atty. Leah Banagui-Han ng CDA, USec. Carmela Torres ng DOLE, Coun. Egay Yap ng District 4, Engr. Martin Jequinto ng DOLE-NCR, Mr. Rogelio Reyes ng QC PESO, at Ms. Mona Celine Yap ng QC SBCDPO.