Proud na proud ang Quezon City Government at si Mayor Joy Belmonte sa ipinamalas na galing ng mga Batang QCitizen na naging semi-finalist sa nagdaang 2022 Street Child World Cup.
Pito sa 10 football players ang mula sa Barangay Payatas (Fairplay For All Foundation) at Escopa III. Kaya sa kanilang pagbisita sa Quezon City Hall, ipinahayag ni Mayor Joy ang mga programa ng lokal na pamahalaan bilang suporta sa mga batang atleta tulad ng scholarship program na nakalaan para sa kanila. Patuloy din ang pagsasaayos ng lungsod sa mga sports facility para magamit ng mga aspiring athlete.
Kasama rin sa sumalubong sa Team Philippines sina Councilor Irene Belmonte, at Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon.