Nagsama-sama ang halos 500 senior QCitizen na lider ng kani-kanilang asosasyon upang dumalo sa Values Formation Training for Community Leaders na inorganisa ng Barangay and Community Relations Department (BCRD).
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sector representative na magsisilbing boses ng mga mamamayan sa pamahalaan lalo na pagbuo ng mga polisiya at programa para sa pagtaas ng antas ng kanilang pamumuhay.
Layon ng training na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga community leader sa pamumuno sa kanilang organisasyon upang mapalakas pa ang kanilang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa pag-unlad ng lungsod.



















