Nagcourtesy call kay Mayor Joy Belmonte si Chiba City, Japan Councilor Yusuke Okada ngayong araw.
Bilang isang sister city ng lungsod, tinalakay nila ang maaaring maging proyekto ng dalawang lungsod. Ilan lamang dito ang pagkakaroon ng exchange student program para sa mga kabataan at programa para sa out-of-school youth.
Dumalo rin dito sina Vice Mayor Gian Sotto, Tourism Department Head Tetta Tirona, Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso at Schools Division Superintendent Carleen Sedilla.