Bumisita si Mr. Michael Tiu Lim, Vice President ng National ICT Confederation of the Philippines (NICP) kay Mayor Joy Belmonte upang talakayin ang mungkahing partnership program kung saan sasailalim sa training ang mga kabataan lalo na ang Out-of-School Youth (OSY) sa pag recycle ng mga electronic waste.

Layon ng programa na maisalba ang mga lumang electronic gadgets upang magamit pa ng mga mag-aaral at kabataan, hakbang din ito tungo sa pagpapatupad ng circular economy.

Nakiisa sa meeting sina Ms. Andrea Villaroman ng Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD), Mr. Richard Santuile ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC), at Dr. Theresita Atienza ng Quezon City University (QCU).