Ibinahagi ng SM Malls North EDSA ang kanilang plano para sa nalalapit na pagbubukas ng SM North EDSA Busway Concourse.

Ipinaliwanag din nila kina City Administrator Mike Alimurung, City Engineer Atty. Dale Perral, at City Legal Officer Atty. Carlo Austria ang mga detalye ng itatayo nilang MRT 7 – Station 1 Inter-Connection.

Handa ang SM Malls North EDSA na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan para sa pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng kanilang plano na mapapakinabangan din ng mga QCitizen.

+3