Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa Creative Industries Day ng Quezon City Film Commission (QCFC) at QCinema International Film Festival sa Sine Pop ngayong araw.

Sa kanyang talumpati, inihayag ni Mayor Joy na ang mithiin ng Lungsod Quezon na maging UNESCO Creative City of Film ay magbubunga ng maraming oportunidad at trabaho para sa QCitizens.

Ibinalita ng Alkalde ang inihahandang one-stop shop Film Permits Office, na magpapadali sa mga proseso ng paggawa ng pelikula sa QC.

Ang pagiging kwalipikado ng lungsod bilang Creative City of Film ang tinalakay ng mga panelists na sina QCFC Executive Director Liza Diño, QCinema Artistic Director Ed Lejano, Film Academy of the Philippines Director General Paolo Villaluna, Inter Guild Alliance Co-Chair Patti Lapus, Atty. Gio Gomez ng Department of Trade and Industry, at Reuel Ruiz ng QC Local Economic Investment Promotions Office.

#TayoAngQC

#QC85th

+26