Sinalubong ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ang pilgrim image at relics ni San Pedro Bautista bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng santo.

Sinundan ito ng Banal na Misa na pinangunahan ni Very Rev. Fr. Bernardo M. Lanuza.

Kasama rin sa mga nakiisa sa misa sina Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente at Coun. Charm Ferrer.

Gaganapin ang ika-91 na Parish Fiesta ng Basilica Minor de San Pedro Bautista ngayong February 4, 2024.

Si San Pedro Bautista ang nagtatag na pamayanan ng San Francisco del Monte sa Lungsod Quezon.

+25