Nagsagawa ng inspeksyon ang QC Department of the Building Official sa mga gusali at residential areas upang masiguro ang kaayusan ng mga imprastraktura sa lungsod alinsunod sa Department Order 39 o ang Revised Construction Safety Guidelines for Implementation of Infrastructure Projects during COVID-19 Public Health Crisis.

Ang mga nahuling lumabag sa health and safety protocols ay nakatanggap ng Cease and Desist Order.

Pinapaalalahanan pa rin ang lahat na magsuot ng facemask, faceshield, at ipatupad ang iba pang hakbang bilang pag-iingat sa COVID-19.