Inaksyunan ng District 5 Action Office sa pangunguna ni Ginoong William Bawag ang reklamo sa pagbaha sa Belen Street sa Barangay Gulod.
Sa tulong ng Quezon City Engineering Team, nagsagawa ng declogging sa kanal gamit ang motor pump mula sa homeowners association.
Ito ay matapos makatanggap ng reklamo ang Quezon City Government FB page ukol sa pag-apaw ng tubig sa nasabing lugar.










