Nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte ang Deed of Absolute Sale ng lupa sa Don Primitivo St. at Laura St. sa Barangay Matandang Balara kasama ang may-ari nito na si Ms. Jocelyn Lalaguna.
Tinatayang aabot sa 800 square meters ng lupa ang ibinenta sa lungsod kung saan may 23 pamilya ang magkakaroon ng katiyakan sa paninirahan.
Naging kinatawan naman ng QC Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) sina Mr. Ramon Asprer at Atty. Jojo Conejero.