Programang pabahay para sa mga residente!
Sa pamamagitan ng Direct Sale Program ng lungsod, magkakaroon ng tirahan ang mga residente ng Taniman St., Brgy. Batasan, Quezon City.
Ang Direct Sale Program ay ang pagbili ng lupa ng lokal na pamahalaan mula sa private owners upang maibahagi at maibenta ito sa mga residente sa mababang halaga.
24 pamilya ang naging benepisyaryo ng nilagdaang Deed of Sale sa pagitan ng Quezon City Government at Fortuna Acuña.
Ang mga benepisyaryo ay kinakatawan ng Nagkakaisang Tinig at Lakas ng Taniman Neighborhood Association, Inc.
Nilagdaan ito nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, District 2 Rep. Ralph Tulfo, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Housing Community Development And Resettlement Department head Ramon Asper, at Atty. Macario Luis Bahia ng Fortuna Acuña.




