2,025 na solo parents at 540 miyembro ng Tricycle Operators & Drivers Association (TODA) mula District 6 ang nakatanggap ng pamaskong handog mula sa Pamahalaang Lungsod.
Pinangunahan ni District 6 Action Officer Atty. Mark Anthony Aldave ang isinagawang pamamahagi na ginanap sa SB Park sa Brgy. Tandang Sora.




