Tiyak na tirahan para sa mamamayan!
Naging emosyonal ang mga residente ng Brgy. Commonwealth ng lagdaan ang Deed of Sale sa pagitan ng Quezon City Government at Financiera Manila, Inc.
Dahil sa Direct Sale Program ng lokal na pamahalaan, sa abot kayang halaga ay magkakaroon na ng sariling bahay ang 110 benepisyaryo mula Kapalaran St., Brgy. Commonwealth Quezon City.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa Kapalaran Homeowners Association Inc. at Bagong Pinagpala ng Kapalaran Homeowners Association Inc.
Ang Deed of Sale ay nilagdaan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, District 2 Rep. Ralph Tulfo, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Housing Community Development And Resettlement Department head Ramon Asper, at Vina Jimena ng Financiera Manila, Inc.




