Nagsagawa ang Department of Public Order and Safety – Green Transport Division ng “Bike Bus” dry run sa kahabaan ng bike lanes sa Katipunan Avenue patungo sa Ateneo de Manila University Gate 3.
Ang isinagawang bike bus dry run ay may layong hikayatin pa ang QCitizens na magbisikleta, sa pamamagitan ng sama-samang pagbiyahe sa itinakdang ruta upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Nanguna sa aktibidad sina Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, DPOS Head Gen. Elmo DG. San Diego, Traffic and Transport Management Department Head Dexter Cardenas, at Dr. Lawrence Celestino ng MNL Moves.