Ipinaliwanag ni Mayor Joy Belmonte ang programa ng Lungsod na “No Women Left Behind” sa mga opisyal at city directors ng Department of the Interior and Local Government – National Capital Region (DILG-NCR).
Sa DILG-NCR Regional Team conference sa Sequioa Hotel, ibinahagi ng alkalde kung paano sinisiguro ng lokal na pamahalaan ang kapakanan ng mga kababaihang persons deprived of liberty (PDLs) mula sa kanilang edukasyon, kalusugan, kabuhayan, hanggang sa kanilang pagbabalik sa komunidad.
Kasalukuyang nasa QC ang DILG city directors para i-benchmark ang No Women Left Behind Program ng lungsod.
Naroon din sa DILG-NCR Team conference sina Regional Director Maria Lourdes L. Agustin, Assistant Regional Director Atty. Ana Lyn R. Baltazar-Cortez, at DILG-QC Director Emmanuel Borromeo.