Magsisimula na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Social Amelioration Program payout ng second tranche para sa 27,051 waitlisted beneficiaries simula

  • May 18, Tuesday

sa pamamagitan ng DSWD katuwang ang QC Social Services Development Department.

Makakatanggap sila ng tig-P8,000 sa pamamagitan ng manual payout sa mga itinalagang payout sites. First batch ito mula sa 82 barangay, at magkakaroon pa ng mga kasunod na batches ng payout.

Ipapaskil ng barangay ang listahan ng mga benepisyaryo, makipag-ugnayan lamang kayo sa inyong barangay.

Mayroong Helpdesk sa mga payout sites kung kayo ay may reklamo o apela na may kaugnayan sa waitlisted beneficiaries.