Ipapamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Social Amelioration Program (SAP) para sa DSWD-SAP 2ND TRANCHE sa December 8 at 11, 2021 at ang DSWD-SAP WAITLISTED sa December 12-15, 2021 katuwang ang ating QC Social Services Development Department.
Para sa mga hindi nakakuha ng kanilang DSWD-SAP 2nd Tranche noong December 8, maaari itong kunin ngayong December 11. Dalhin lamang ang inyong kumpletong dokumento.
Ang manual payout na tig-P8,000 ay magaganap sa Social Services and Development Department (SSDD) Building, Parking Area mula 8:00 ng umaga.
MAHIGPIT NA SUNDIN ANG PETSA AT ORAS na itinalaga para sa pag-claim ng inyong ayuda. Huwag kalimutang dalhin ang mga requirements kapag kukuha na ng inyong ayuda. Siguraduhing pirmado na ng Barangay Captain ang inyong SAP Form at ang beneficiaries’ ID ay hindi pa expired.
Makipag-ugnayan sa inyong barangay para sa schedule at listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo. Maaari ring tingnan ang listahan dito: