Ilan sa ating QCitizens ang pansamantalang nananatili sa evacuation center matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Brgy. E. Rodriguez.

Agad namang umagapay ang SSDD, Office of the City Mayor, District Office, at Quezon City Health Department (QCHD) sa pangunguna ni Dr. Obermay S. Carabeo, CHW Carmelita Polizon at staff ng Ermin Garcia Health Center upang maghatid ng serbisyong medikal at masigurong maayos at ligtas sa anumang pinsala ang mga nasunugan.

Patuloy rin ang pamahalaang lungsod sa pag-alalay sa iba pang pangangailangan ng mga evacuees.

May be an image of 9 people, people studying and table

+5