Agad na lumikas ang mga empleyado ng Quezon City Hall matapos maramdaman ang pagyanig ng 4.8 magnitude na lindol bandang 11:09 ng umaga ngayong araw.
Nag-deploy ng mga Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) team ang QC Disaster Risk Reduction ang Management Council upang masiguro na ligtas ang mga gusali at tanggapan, bago pinabalik ang mga empleyado.
Base sa assessment ng QC DRRMO, walang naiulat na nasaktan at maayos na nakapag-evacuate ang mga kawani at publiko.