Naging kinatawan ng lungsod si Business Permits and Licensing Department head Margarita Santos sa ginanap na Ease Of Doing Business (EODB) Convention 2023 na pinangunahan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Layon ng ARTA na wakasan ang red tape at korapsyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng bansa.
Tinalakay ni BPLD head Margarita ang mga programa at proyekto ng Quezon City Government upang mas maging madali sa mga negosyante at residente ng QC ang pagbubukas ng negosyo at pagkuha ng permits sa lungsod.
Dumalo rin sina ARTA Sec. Ernesto Perez, ARTA USec. Gerald Divinagracia, US Ambassador Mary Kay Carlson, Malaysian Ambassador Dato Abdul Malik Melvin Castelino Anthony, Korean Ambassador Lee Sang-hwa, Philippine Chamber of Commerce & Industry President George Barcelon, at mga kinatawan ng iba-ibang ahensya ng Pilipinas.