Muli nang binuksan sa mga motorista ang EDSA-Kamuning Flyover southbound ngayong araw sa pangunguna nina Department of Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan, Metropolitan Manila Development Authority Officer-In-Charge Baltazar Melgar, kasama ang ilang opisyal ng pamahalaang Lungsod Quezon na sina District 4 Rep. Marvin Rillo, at QC Engineering Department Asst. Head Engr. Robert Beltran.
Noong June 25, isinara ang EDSA-Kamuning Flyover upang magbigay daan sa pagsasaayos nito dahil sa mga nakitang mga crack at potholes.