Bilang bahagi ng pagbibigay ng dekalidad na emergency health care sa mga QCitizen, bukas na ang bagong emergency room ng Delos Santos Medical Center (DSMC).
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa ribbon-cutting at blessing ng bagong pasilidad, kasama sina Metro Manila Center for Health Development (DOH-NCR) Regional Director Aleli Sudiacal, DSMC President and CEO Elizabeth Dantes, DSMC Chief Medical Officer Dr. Nilo de los Santos, at mga board members ng ospital.
Ang pagbubukas ng bagong emergency room ng DSMC ay bahagi ng kanilang selebrasyon sa ika-10 taon nilang pagiging bahagi ng Metro Pacific hospital network.