QCitizens, bukas na ang QC Real Property Viewer sa QC E-services
Upang maisulong ang transparency at good governance, ipinakita ng Quezon City Assessors Office kung paano gamitin ng publiko ang QC Real Property Viewer sa isinagawang project close out meeting ng Enhanced Tax Mapping Systems (eTAXMAPS) project.
Sa tulong ng QC Real Property Viewer, maaari nang makita ng property owners ang detalye ng kanilang lupain sa lungsod.
Dumalo sa close out conference sina City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo, Information Techology Development Department (ITDD) Head Paul Padilla, Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon, at Assistant City Administrator for Fiscal Affairs Don Javillonar.
Naroon din sa pagtitipon sina eTAXMAPS Project Manager Acting Assistant City Assessor for Administration Priscela B. Verzonilla, Assistant City Assessor Delfin Torres, Geodata Systems Technologies Inc. Managing Director James Elrond Lagare, Ms Maricel Rosatase, at ang eTAXMAPS Phase 4 team na binubuo ng mga kawani ng City Assessor’s Office, ITDD, at Geodata Systems.