Nilagdaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Ordinance no. SP-3084 na nagpapalawig sa validity o bisa ng business permits at ancillary clearances gaya ng Sanitary Permits, Environmental Clearances, Tourism Accreditation Certificates, DPOS Security Clearances, Traffic Clearances, Liquor Permits, Market Clearances/Certificates, at Veterinary Clearances sa July 20, 2022 kung mapapaso na ang mga ito bago ang nasabing petsa.

Habang ang mga permit at clearance na mapapaso pagkatapos ng July 20, 2022 pero bago ang October 20, 2022 ay valid pa rin hanggang October 20, 2022.

Ito ay bilang tugon sa naunang ipinasang ordinansa na nagbibigay ng extension sa pagbabayad ng business taxes, fees at charges.