Nagtipon-tipon ang mga urban farmers at aquaculture raisers ng lungsod bilang bahagi ng paggunita sa Farmer and Fisherfolk month.

Sumailalim sila sa consultation workshop at capacity building na inorganisa ng QC Government, sa pangunguna ng Sustainable Development Affairs Team at Quezon City Public Employment Service Office, sa Quezon City University ngayong umaga.

Layon ng workshop na patatagin pa ang pakikipag-ugnayan ng mga urban farmers sa pamahalaang lungsod at maipakita ang patuloy na suporta sa kanila upang maging katuwang sa food security program ng QC.