Nag-alay ng banal na misa ang pamahalaang lungsod para sa pagdiriwang ng kapistahan ng Parokya ng San Pedro Bautista ngayong araw sa QC Hall Risen Garden. Sinundan ito ng departure rites ng imahe ni San Pedro Bautista matapos ang kaniyang one-day visit.
Dumalo sa misa sina Mayor Joy Belmonte, kasama ang ilang opisyal ng QC Government.
Ang Parish Fiesta ay gaganapin sa Pebrero 5, 2023 at may temang: Ika-90 Taong Pagkakatatag ng Parokya ng San Pedro Bautista: Paglingon, Paglalakbay, Pasasalamat at Pagmimisyon.