Sumailalim ang mga frontline staff ng Quezon City Government sa Filipino Sign Language Training na isinagawa ng Persons with Disability Affairs Office (QC-PDAO).
Layon ng pagsasanay na mabigyan ng basic skills sa sign language ang mga kawani ng QC Hall na maaari nilang magamit lalo na sa pagbibigay serbisyo sa mga PWD.
Bago ang training, dumalo muna ang mga kalahok sa Disability Awareness and Sensitivity Training ng PDAO.