Nag-abot ng tulong pinansyal ang Quezon City Government sa 212 pamilyang nasunugan sa Barangay Damayang Lagi kahapon.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng financial aid sa mga biktima. Ang mga house owner ay nakatanggap ng P10,000 habang P5,000 naman para sa mga sharer/ renter.
Nauna nang nakapagbigay ang lungsod ng food packs at material assistance sa mga nasunugan.




