Nakatanggap ng financial assistance ang 75 pamilyang nasunugan noong isang linggo mula sa Barangay Holy Spirit, Tandang Sora, at San Agustin.
Bawat pamilya ay sumailalim sa verification ng mga social worker ng Social Services Development Department (SSDD). Ang mga houseowner ay nakatanggap ng P10,000 at P5,000 para sa mga renter at sharer.