
Nagbigay ng pinansyal na tulong ang Quezon City government sa 30 na pamilyang nasunugan sa Barangay Commonwealth noong Biyernes.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nag-abot ng assistance sa mga biktima, kasama ang Social Services Development Department (SSDD). P10,000 ang natanggap ng mga house owner, habang P5,000 para sa mga renter at sharer.
Sumailalim muna sa masusing verification ang mga pamilya. Nauna na rin silang mabigyan ng food packs at material assistance mula sa pamahalaang lungsod at barangay.















