Mahigit 100 pamilyang nasunugan sa Barangay Damayang Lagi ang nabigyan ng agarang tulong-pinansyal ng Quezon City Government.
Bawat house owner ay nakatanggap ng P10,000 financial assistance, habang P5,000 naman sa mga renter o sharer.
Nauna nang nakapagbigay ang lokal na pamahalaan at barangay ng material assistance, food packs, at hygiene kits sa mga biktima.