Personal na iniabot ni Mayor Joy Belmonte katuwang ang Social Services Development Department, ang tulong pinansyal ng Lungsod Quezon sa 43 na mga pamilyang naapektuhan ng naganap na sunog sa apat na barangay sa lungsod noong isang linggo.
Ang mga barangay na ito ay Barangay Bahay Toro, Masambong, Holy Spirit, at Payatas. Nakatanggap ang mga owners ng P10,000 at P5,000 naman para sa mga sharer at renter.
Katuwang ng Alkalde si SSDD OIC Rowena Macatao at sina Kagawad Bunso Valmocina, Kagawad Remmy Motal, at Kagawad Memban Ofel.