Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga hakbang ng Lungsod Quezon sa pagpapatupad ng Freedom of Information (FOI) sa ginanap na FOI Summit 2022 na pinangunahan ng Freedom of Information Philippines at Philippine Information Agency.
Tinalakay ni Mayor Joy ang tungkol sa pagpasa ng QC FOI Ordinance, paglunsad ng iba-ibang platforms para sa mga QCitizens tulad ng opisyal na QC website kung saan makikita ang mga transparency reports, procurement and bidding processes, at social media accounts ng lungsod.
Dagdag ni Mayor Joy, “Kapag wala kang ginagawang masama, wala kang kailangan itago”, isang patunay nito ay ang pagkamit ng pamahalaang lungsod ng Unqualified Opinion mula sa Commission on Audit para sa 2020 at 2021. Hinirang din bilang Top 1 Mayor sa National Capital Region si Mayor Belmonte ayon sa Performance Rating na isinagawa RP-Mission and Development Foundation Inc. kamakailan.
Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng transparency at pagpapanatili ng tiwala ng publiko sa kanilang lokal na pamahalaan.




