Bilang bahagi ng National Women’s Month, nagsagawa ng free mammogram screening ang pamahalaang lungsod sa mga pasyenteng sumailalim sa Intensified Breast Cancer Screening Activity ng QC Health Department.
Noong Pebrero 2024, umabot sa 7,180 kababaihan na may edad 20 anyos pataas ang na-screen ng QCHD sa ginanap na breast cancer screening.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, sinisikap ng pamahalaang lungsod na maisakatuparan ang Quezon City Integrated Cancer Control Ordinance (QCICCO) na magbibigay ng mga progama na makatutulong sa cancer prevention at mapabuti ang cancer survivorship ng mga pasyente.