Nagsagawa ng libreng mental health assessment at consultation ang QC Health Department katuwang ang QC Persons with Disability Affairs Office at Unilab sa mga residente ng District 2. Ang aktibidad ay bahagi ng World Mental Health Day na may temang “Make mental health and well-being for all a global priority.”

Layon ng proyekto na matigil ang stigma, magbahagi ng kaalaman at palaganapin pa ang impormasyon ukol sa mental health at mental illness. Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga QCitizens na magpa-konsulta sa mga eksperto para sa kanilang mental wellness.

Binigyan din ng libreng gamot at hygiene kits ang mga pasyenteng nakiisa sa proyekto. Agad namang inaapply ang mga pasyenteng na-assess at nag-qualify para sa PDAO ID. Dumalo rin sina Councilors Noe Dela Fuente at Aly Medalla upang kumustahin ang mga QCitizens na nagpapakonsulta.