Panalo ang iRISE UP (Intelligent, Resilient, and Integrated Systems for the Urban Population) sa Galing Pook Awards 2023!
Mismong si Mayor Joy Belmonte, at QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) OIC Maria Bianca Perez ang tumanggap ng pagkilala mula kina Secretary of the Interior and Local Government Benhur Abalos at former SILG Mel Sarmiento.
Ang iRISE UP ay isang real-time monitoring system na nagbibigay ng babala sa mga barangay at komunidad sa pamamagitan ng datos tungkol sa ulan, kalidad ng hangin, taas ng tubig at pagyanig gamit ang mga early warning device.
Samantala, finalist naman ang QC Birth Registration Online (QC BRO) na nag-automate ng proseso ng birth registration upang mas mapadali at mapabilis ang pag-rehistro sa bawat bata na ipinapanganak sa mga ospital at lying-in sa lungsod.
Ang Galing Pook Awards ay inilunsad noong 1993 upang bigyang pagkilala ang mga best practices at innovative programs ng mga lokal na pamahalaan na makatutulong sa kanilang mga komunidad.