Narito ang updated General Community Quarantine (GCQ) guidelines kung saan pinapayagan na ang pagbubukas ng mga aesthetics, wellness at holistic center, at iba pang katulad na mga establisimyento alinsunod sa Memorandum Circular No. 21-19 ng Department of Trade and Industry.
Ipinatutupad pa rin ang mga sumusunod simula May 20, 2021:
- Public Safety Hours mula 10:00PM to 4:00AM.
- Pinayagan na rin ang outdoor tourist attractions
- Pinalawig ang liquor window hours mula 4:00 AM hanggang 10:00 PM.