Mahigpit na ipatutupad ang Public Safety Hours mula 10:00PM hanggang 5:00AM simula March 15, 2021 sa Quezon City, alinsunod sa napagkasunduan na unified curfew hours ng Metro Manila Council.

Ipatutupad ang mga sumusunod mula March 15-31, 2021:

  • Alternative Work Schedule
  • Liquor Ban
  • Pagsasara ng mga business establishments mula 10pm to 5am maliban sa mga essential establishments kagaya ng 24-hour convenience stores, fastfood, call centers at drugstores
  • Sarado rin ang gyms, spa, at internet cafes, sa loob ng dalawang linggo

Hinihikayat rin ang mga negosyo na gamitin ang KyusiPass para sa maayos na contact tracing ng lungsod.