Nagbigay-pugay sa mga grab express delivery riders ang Grab Philippines sa ginanap na Grab: Buwan ng Tagapaghatid 2022.
Makikita ang iba-ibang booths tulad ng Pag-Ibig Fund, Philhealth, Maya, at mayroon ding free massage, haircut at sari-saring freebies.
Pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mga tinaguriang pandemic heroes dahil sa kanilang pagseserbisyo sa mga QCitizens lalo na noong ipinatutupad ang mahigpit na community quarantine protocols sa bansa.
Dagdag ni Mayor Joy, bukas ang pamahalaang lungsod sa pakikipagtulungan sa Grab PH para sa iba pang mga programa nito.