Aabot sa 70 manggagawang QCitizen ang nabigyan ng helmet para sa kani-kanilang bisikleta na ginagamit papasok sa kanilang trabaho.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng helmet sa mga essential worker ng Bgy. UP Campus, kasama sina UP Campus Kagawad Warren “Mau” Gloria, District 4 Action Officer Engr. Al Flores, at Task Force on Transport and Traffic Management (TFTTM) OIC Dexter Cardenas.
Ang pagbibigay ng helmet ay ilan lamang sa mga proyekto ng lungsod para masiguro ang kaligtasan ng mga siklista. Bisikleta ang naging alternatibong transportasyon ng mga manggagawang QCitizen ngayong may pandemya.
Maliban sa helmet distribution, pinalawig din ng QC ang bike lanes, at nagtalaga ng mga bike patrollers para masigurong safe ang kanilang biyahe.