Dumalo at nagbigay ng talumpati bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente, sa ribbon-cutting ceremony ng “HerStory” Art Exhibit ng Art Show Philippines, katuwang ang SM North Edsa.
Tampok sa art exhibit ang mga obra ng mga local women artist bilang pagdiriwang sa natatanging lakas at ganda ng kababaihan.
Sumentro naman ang talumpati ni Coun. Delarmente sa pagkilala at pagbibigay-pugay sa pagpupunyagi at tagumpay ng kababaihan sa gitna ng mga hamon sa lipunan.
Ibinida rin ng konsehal ang pagsusulong ng Lungsod Quezon sa karapatan ng bawat babae at kanilang kaligtasan laban sa ano mang uri ng pang-aabuso.
Dumalo din sa event si District 1 Councilor Charm Ferrer.
Matutunghayan ang HerStory Art Exhibit mula March 6 hanggang 19, 2023 sa North Towers 1, Ground Level ng SM North Edsa.