Alinsunod sa Proclamation No. 90, S. 2022, Regular Holiday ang March 28 (Maundy Thursday), at March 29 (Good Friday). Special Non-Working Day naman ang March 30 (Black Saturday), bilang paggunita sa Holy Week ngayong taon.
Sarado ang ating mga tanggapan at opisina sa Quezon City Hall sa nabanggit na mga araw, pero maari pa ring mag-access online sa QC E-Services website (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/).
Nakaantabay naman ang ating emergency response teams sakaling kailanganin ito.