Pinasinayaan ni Mayor Joy Belmonte ang bagong gawang kalsada at drainage sa Jamaica St. at Woodside St. sa Barangay St. Ignacius. Kasama sa okasyon sina Vice Mayor Gian Sotto, Kap. Edwin Tansingco at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod mula sa District 3.

Ang pagsasaayos ng mga kalsada at drainage system ay isinasagawa ng pamahalaang lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng ating QCitizens.