Mainit na tinanggap ng Kabahagi Center ngayong umaga ang dalawampu’t isang (21) kinatawan mula sa 2025 Asia-Pacific Regional Conference on Early Childhood Development.
Ito ay inorganisa ng National Early Childhood Care and Development (ECCD) Council at Asia-Pacific Regional Network for Early Childhood (ARNEC), katuwang ang UNESCO, UNICEF, Plan International, Save the Children, Tanoto Foundation at Early Childhood Regional Networks Fund.
Natuto tungkol sa ginagawang community-based rehabilitation at flexicoaching program ng Kabahagi Center ang mga kinatawan mula sa Australia, Cambodia, Pakistan, China, Sri Lanka, at US. Nakausap din ng mga delegado ang mga magulang mula sa Kabahagi Parent Advocates Organization, at nakita nila ang mga produkto ng social enterprises ng mga magulang at iba-ibang artworks ng mga bata.
Labintatlong (13) organisasyon ang dumalo kabilang ang BRAC Philippines, Ramon Aboitiz Foundation, Inc (RAFI), Australian Institute of Early Childhood, Northwest International Centre, Red Pi, Early Childhood Australia, Ayati and Faculty of Medicine, University of Kelaniya, Sri Lanka, Hupan Modou Foundation, Save the Children, PERKINS, PAVIC Philippines, Mindanao State University, Marawi Campus, Catholic Relief Services.
Magsisilbing learning site ang Kabahagi Center para sa conference na may temang: “Advancing Equitable and Inclusive ECD Services: The Critical Role of Effective Local Governance” na gaganapin sa July 1-3 sa EDSA Shangri-La.




