Humarap si Mayor Joy Belmonte kasama ang ilan sa mga delegado ng International Visitor Leadership Program kina Kalamazoo, Michigan Mayor David Anderson, Commissioners Jeanne Hess at Qianna Decker at City Administrator Jeff Chamberlain sa Kalamazoo City Hall.

Ipinaliwanag ni Mayor Anderson sa mga delegado ang istruktura ng kanilang lokal na pamahalaan, at kung paano nila sinisiguro na natutugunan ng maayos at mahusay ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Tiniyak ni Mayor Joy na gagamitin ang mga natutunan sa Kalamazoo, para mas mapabuti pa ang mga serbisyong ibinibigay sa QCitizens.