Binisita ni Mayor Joy Belmonte at iba pang delegado ng International Visitor Leadership Program ang Kalamazoo Department of Public Services sa Michigan.
Isa sa mga pangunahing tungkulin ng lokal na pamahalaan doon ang pamamahala sa wastewater treatment facility, hindi gaya sa mga lungsod sa Pilipinas gaya ng Quezon City kung saan hawak ito ng pribadong sektor.
Sa facility sa Kalamazoo, ang wastewater na galing sa sewage ay nililinis bago ibalik sa Ilog, habang ang groundwater naman ay nililinis upang maaaring inumin.
Sa ganitong sistema, nababawasan ang gastos ng publiko sa pagbili ng bottled water, at natitiyak pang malinis ang tubig sa mga gripo.