Tara na sa Kyusi Nights – Kamuning Night Market!
Tampok ang sari-saring produkto at pagkain na mula sa mga Kamuning-based micro and small businesses.
Bukas ang night market tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo at magtatagal ito hanggang katapusan ng December 2023.
Ano pang hinihintay niyo? Isama na ang inyong pamilya, barkada, at mga ka-foodtrip dito!
Naging bahagi ng ribbon cutting sina Action Officer Al Flores, former Coun. Atty. Vincent Belmonte, Kap. Armie Castel, at mga kagawad ng Brgy. Kamuning.